Manila, Philippines – Nakakulong na ang siyam na pulis, dalawang tanod at apat na iba pa na sangkot sa pamamaril na nangyari sa Mandaluyong City na ikinamatay ng dalawa at ikinasugat din ng dalawang indibidwal.
Sa interview ng RMN kay NCRPO Director Oscar Albayalde – sinampahan na ng kasong Reckless Imprudence Resulting To Homicide laban kina PO2 Lawemuel Songalia, PO1 Ariel Uribe, Jave Arellano, Tito Danao, Mark Castillo, Julius Libuen, Bryan Nicolas, Albert Buwag at Kim Rufford Tibunsay.
Kasama din sa mga kinasuhan ang dalawang tanod na sina Wilmer Duron at Gilbert Gulpo.
Ang isa pa namang tanod na si Ernesto Fajardo ay hindi isinama sa mga kinasuhan dahil magsisilbi aniya itong government witness, habang ang si Gulpo ay pinaghahanap pa rin ng mga otoridad.
Samantala, inaalam naman na ngayon ng special investigation task force shaw kung patay na ba talaga ang biktimang si Jonalyn Ambaan nang paputukan ng mga pulis at tanod ang AUV na magdadala sana umano sa kaniya sa ospital.