MANANAGOT | 5 na naaresto dahil sa pagbebenta ng karne ng pawikan, kakasuhan na

Kakasuhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang limang indibidwal na nahuling nagbebenta ng karne ng pawikan sa Cebu.

Kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang isasampa sa mga suspek.

Martes nang nadakip sa entrapment operation ng DENR, National Bureau of Investigation (NBI) at ng Cebu City preservation, restoration, order, beautification, enhancement o probe ang limang tao kung saan nakumpiska sa kanila ang nasa 10 hanggang 15 kilo ng pawikan.


Ginagawa raw kasi itong pawikan stew o mas kilala sa tawag na “pawikan larang”.

Ayon kay DENR-Region 7 Executive Director Gilbert Gonzales – mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang panghuhuli ng mga wild life species nang walang permit.

Maaaring makulong ng apat hanggang anim na taon ang mga suspek at pagmumultahin ng P50,000 hanggang kalahating milyong piso.

Facebook Comments