MANANAGOT | Angeline Quinto – ipina-blotter na ang kanyang mga online basher

Manila, Philippines – Ipina-blotter na ng singer na si Angeline Quinto sa PNP Anti-Cybercrime Group sa Camp Crame ang mga basher nito.

Ito ay makaraang makatanggap siya ng death threats sa social media matapos daw pagtawanan ang emotional breakdown ni Sarah Geronimo sa katatapos lang nitong concert sa Las Vegas.

Kahit itinanggi na ito ng singer ay hindi pa rin siya tinantanan ng mga fans ni Sarah.


Isinama niya sa police blotter ang mga username ng mga online basher na nagbanta sa kaniya.

Ipinagtanggol din si Angge ng Broadway star na si Lea Salonga, kung saan tinawag niyang “duwag” ang mga nananakot sa social media.

Payo niya sa kapwa singer, magpakatatag lang, dahil mas marami pa rin ang nagmamahal kay Angge kaysa sa hindi.

Facebook Comments