MANANAGOT | Citizen’s arrest laban sa mga nagkakalat ng basura sa Boracay, isinusulong

Aklan – Isinusulong ngayon ang pagsasagawa ng citizen’s arrest sa mga mahuhuling nagkakalat ng basura sa isla ng Boracay.

Ito ay matapos na mag-viral sa social media ang larawan ng ilang mga basura sa isla kasabay ng dry run nitong Lunes.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, tila wala pa ring natutunan ang ilang mga Pinoy matapos ang anim na buwang pagsasara ng isla para sumailalim sa rehabilitasyon.


Dahil dito, magdadagdag aniya sila ng mga environmental police sa Boracay para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng anti-littering campaign.

Facebook Comments