Manila, Philippines – Puspusan na ang paglilinis ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Boracay.
Gamit ang lambat, sinuyod ng mga tauhan ng DENR ang mga baybayin at kinuha ang mga lumot sa gilid ng dagat.
Nakiisa rin sa paglilinis ang mga residente ng Boracay sa Bulabog Beach, kung saan inilalabas ang tubig mula sa drainage system ng isla.
Pinalibutan rin ang Boracay ng mga sasakyang pandagat ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG) na nagbabantay sa mga papasok na walang permit o hindi residente.
Habang ipinatupad na rin ang no-swimming policy.
Tanging mga residente lang ang maaaring lumangoy sa mga itinalagang lugar sa Boracay.
Facebook Comments