MANANAGOT | DOLE, susunod na target ang mga TV networks at ospital na nagsasagawa ng illegal contractualization

Manila, Philippines – Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na isumite sa susunod na buwan ang bagong listahan ng mga kumpanyang nagsasagawa ng illegal contractualization.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, susunod nilang tatargetin ay mga TV networks at mga ospital.

Sa kalagitnaan ng Hulyo aniya ay maaring ibunyag ang top 20 companies.


Sa ngayon, nakapag-inspeksyon na ang DOLE sa halos 100,000 mula sa 900,000 kumpanya mula sa unang listahan ng mga kumpanyang nagpapatupad ng labor-only contracting.

Aminado ang DOLE na hindi sapat ang kanilang labor law compliance officers na nagsasagawa ng inspeksyon sa mga establisyimento.

Facebook Comments