Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) na may natanggap silang mga reklamo hinggil sa pangongotong ng mga tauhan ng Bureau of Custom (BOC) sa ilang Chinese national sa paliparan.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, pinaiimbestigahan na niya ito kay BOC Commissioner Isidro Lapeña.
Maliban rito, sabi ni Puyat na pinare-review na rin niya sa Commission on Audit (COA) ang kontrata para sa World’s Strongest Man Competition.
Aniya, maliban sa Buhay Carinderia Project, nagdududa rin siya sa kontrata para sa pag-host ng Pilipinas sa World’s Strongest Man Competition dahil hindi ito dapat sa pamamagitan ng dollars.
Ang two-week sporting event ay ginanap sa ilang lugar sa bansa mula April 28 hanggang May 1 at ipinalabas sa CBS worldwide.
Una na ring pina-review ni Puyat sa COA ang Buhay Carinderia Program, P60-million halaga ng advertisements sa PTV, tinanggal na rin ang P1.29-million contract para sa reversible jackets para sa mga birthday celebrants.