MANANAGOT | Elite force ng PNP, pinakilos na para tugisin ang responsible sa GenSan bombing

Pinakilos na ng Philippine National Police (PNP) ang mga elite force nito sa Central Mindanao para tugisin ang mga responsible sa pagsabog sa General Santos City kahapon.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, inatasan na niya ang pwersa ng kapulisan na paigtingin ang mga checkpoints, patrols, intelligence at law enforcement operations.

Hinimok ni Albayalde ang publiko na makipagtulungan at ipagbigay alam sa mga awtoridad ang mga impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek o grupo na responsible sa pag-atake.


Tiniyak ng PNP sa publiko na mapapanagot ang mga nasa likod ng insidente.

Facebook Comments