Manila, Philippines – Kakasuhan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga sources ng lambanog na ikinamatay at ikina-ospital ng ilang indibidwal sa ilang bahagi ng bansa.
Sa statement ng FDA, ang mga indibidwal na nag-supply ng lambanog ay may pananagutan sa mga produktong may mataas na lebel ng methanol, isang nakalalasong kemikal.
Mula nitong Mayo, nakapag-rekord ang FDA ng 44 na kaso ng lambanog poisoning sa Capaz, Tarlac; maging sa mga bayan ng Santa Rosa, Luisiana, Calamba at Calauan, Laguna; Antipolo, Rizal; at Novaliches, Quezon City.
Mula sa nasabing bilang 21 ang namatay.
Nakikipag-ugnayan na ang FDA sa mga law enforcement agencies na tugisin ang lahat ng nasasangkot.
Facebook Comments