Manila, Philippines – Mas pinahihigpitan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar sa lahat ng pulis sa Metro Manila ang foot patrol.
Ito ay para hindi na maulit ang paglalagay ng tarpaulin na may malisyosong mensahe na “Welcome to the Philippines, province of China.”
Ayon kay Eleazar, patuloy nilang inaalam kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng tarpaulin at kung ano ang motibo nito.
Aniya, paglabag sa anti-littering law ang ginawa ng mga taong nasa likod ng tarpaulin dahil bawal ang pagpapakalat ng mga signage’s na may malisyosong mensahe sa mga pampublikong lugar.
Kasabay nito, hinamon ni Eleazar ang mga taong nasa likod ng tarpaulin na kung totoong matapang ay lumutang na at akuin ang responsabilidad.