Manila, Philippines – Pahaharapin ng Department of Transportation (DOTr) sa iba’t-ibang traffic violations ang sinumang mahuhuling gagawa ng patok na “in my feelings challenge” sa mga lansangan.
Babala ito ng DOTr dahil bukod sa posibleng panganib nito sa mga motorista, maaari rin itong makaaabala sa daloy ng trapiko.
Ang violator ang kakasuhan ng reckless driving, babawian ng lisensya at maaaring paharapin sa kasong paglabag sa anti-distracted driving act na may karampatang multa na p5,000 hanggang P15,000.
Paalala pa ng DOTr, tiyaking hindi magdudulot ng aksidente o perwisyo sa kalsada ang pakikiuso.
Ipakita na lang daw ang feelings sa tamang paraan at huwag sa lansangan.
Facebook Comments