MANANAGOT | Limang ahensya ng gobyerno na inirereklamo ng katiwalian, iniimbestigahan na

Manila, Philippines – Iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang limang ahensya ng gobyerno dahil sa iregularidad na kinasasangkutan ng mga opisyal nito.

Ayon kay PACC Chairman Dante Jimenez, kabilang sa listahan na inirereklamo ng katiwalian ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR), National Electrification Administration (NEA) at Department of Tourism (DOT).

Ani Jimenez, palagian ang kanilang pagbibigay ng update kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa listahan.


Higit 15 complaints aniya kanilang natatanggap bawat araw.

Hindi na idinetalye pa ng PACC ang kanilang ginagawang imbestigayon.

Facebook Comments