MANANAGOT | LTFRB, maglalabas ng show cause order laban sa mga Transport Network Vehicle Service driver na nagkakansela ng booking

Manila, Philippines – Maglalabas ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga driver na nagkakansela ng booking sa kanyang pasahero.

Kaugnay ito ng reklamo ng isang pasahero ng Grab kung saan ipinakakansela sa kanya ng Grab driver ang ibinook niyang trip dahil hindi na ito makakapunta.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, bukod sa driver, kasama rin nilang ipatatawag ang operator nito at maging ang pamunuan ng Grab.


Iginiit ni Delgra na tulad ng mga regular na taxi drivers, maaaring sampahan ng nasabing kaso ang mga Grab drivers dahil paglabag sa terms and condition ng prangkisa ng mga Transport Network Vehicles Service (TNVS).

Facebook Comments