Manila, Philippines – Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator at driver ng Utility Vehicle (UV) express na naniningil ng sobrang pamasahe.
Ito ay kasunod ng mga report na natanggap ng ahensiya na nagdagdag umano ng limang piso sa pasahe ang mga UV express ng walang pahintulot mula sa gobyerno.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, nakatakda silang mag-operate sa mga lugar kung saan may report na over-charging.
Umapela si Delgra sa mga operator na itigil ang sobrang singil sa pasahe dahil may katapat na parusa ang mga ito.
Hinikayat din nito ang publiko na i-report sa LTFRB hotline 1342 o kaya sa kanilang twitter at facebook page ang mga reklamo kaugnay sa overcharging at iba pang hindi magandang ginagawa ng mga tsuper sa lansangan.