MANANAGOT | Mga eskwelahan na nagpapatugtog ng “national anthem” ng NPA, iimbestigahan

Magsasagawa ng imbestigasyon ang PNP sa mga eskwelahan na umano ay nagpapatugtog ng “national anthem” ng New Peoples Army (NPA).

Ito ang sinabi ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde matapos itong isumbong sa kanya ng grupo ng mga Lumad na bumisita sa Camp Crame kahapon.

Ayon kay Mindanao Indigenous Peoples Coalition for Cultural, Justice and Integrity Lipatuan Unad, may mga itinayong eskwelahan ang NPA sa mga Lumad communities sa Mindanao bilang “tulong” umano sa mga katutubo.


Pero ang tinuturo aniya ng mga eskuwelahang ito sa mga kabataang mag-aaral ay kung paano gumamit ng baril at ang pinapatugtog sa flag-raising ay “national anthem” ng NPA.

Sinabi ni Albayalde na makikipag-ugnayan ang PNP sa CHED para iimbestigahan ang mga paaralan kung lehitimong eskwelahan ang mga ito.

Maari aniyang ipasara ng gobyerno ang anumang paaralan na walang kaukulang permiso.

Facebook Comments