Aklan – Matapos matukoy ng DENR ang mga establishment na may pipelines na nagtatapon ng dumi sa Boracay beach, inihahanda na ni DENR Secretary Roy Cimatu ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.
Ito ay bunsod ng pagkakadiskubre ng mga bagong underground sewers at pipelines na direktang nakakonekta sa dagat at nagtatapon ng dumi.
Mula sa bilang na dalawamput anim, labing anim dito ay kumpirmadong nakakabit sa mga establishments habang ang iba pa ay sumasailalim pa sa imbestigasyon.
Aniya lahat ng may ari ng illegal pipelines ay pananagutin dahil sa paglabag sa Philippine Clean Water Act of 2004 o Republic Act 9275.
Sa ilalim ng batas, pagmumultahin ng 200 thousand pesos ang sinumang indibidwal sa kada araw ng paglabag mula nang ilagay ang illegal pipelines.
At depende pa rin ito sa bigat ng kanyang kasalanan na hahantong sa pagpapasara ng establisamiyento at pagpataw ng karampatang multa at pagsasampa ng kasong kriminal.
Noong Mayo 25 nadiskubre ng DENR at iba pang kinatawan mula sa Aklan Provincial Government ang 26 na illegal pipes na nakabaon sa ilalim ng Boracay beach.