Nagbabala ang DILG na mahaharap sa kaukulang administratibong kaparusahan ang mga gobernador at mga local chief executives na wala sa kanilang mga nasasakupan sa panahon ng pagsalanta ni bagyong Ompong.
Gustong makita ni DILG-OIC Secretary Eduardo Año na nakalatag ang kongkretong paghahanda ng mga LGUs alinsunod sa mga rekomendasyon sa oplan listo.
Sa ilalim ng oplan listo ng DILG dapat handa ang mga resources, supplies, equipment at relief goods na kinakailangan.
Naka-standby na rin dapat ang mga equipment at nakagpadala na ng mga tauhan para sa seguridad, medikal, clearing, evacuation, relief distribution at pangangailangang pangkomunikasyon.
May nakakakat na rin na rescue at medical teams sa mga hindi ligtas na lugar.
Dapat ding may nakahandang power at water supply, pangkomunikasyon, patrol areas at mag-standby para sa clearing operations.