Manila, Philippines – Tukoy na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kompanyang sangkot sa “labor-only contracting” o ginagawang kontraktwal ang kanilang mga empleyadong dapat ginagawang regular.
Sabi ni Labor Secretary Bello, bago pa man ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan para sa crackdown ay alam na nila ang mga target na employer.
Umaasa aniya siyang ikatutuwa ito ng mga manggagawa at maniwala ang mga ito na seryoso si Pangulong Duterte sa kanyang pangakong tapusin ang contractual arrangement sa sektor ng paggawa.
Ikinatuwa naman ni Bello ang pahayag ni Employers Confederation of the Philippines President Donald Dee na suportado nila ang nasabing hakbang ng labor department.
Facebook Comments