Hindi sapat ang kasong negligence of duty laban sa mga alkaldeng “missing in action” habang nananalasa ang bagyong Ompong.
Ito ang iginiit ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna ng hakbang ng Department of Interior and Local Government (DILG) na panagutin ang mga alkalde at ibang local government officials na nawala sa eksena noong nananalasa ang bagyong Ompong
Ayon kay Roque, pagsibak ang dapat maging parusa sa mga pabayang opisyal sa ngalan na rin ng doktrinang casus fortuito.
Sabi pa ni Roque, hinalal ang mga alkalde para maglingkod sa taungbayan at hindi para magbakasyon o magtago sa mga panahong sila ay kailangan.
Facebook Comments