Manila, Philippines – Nanawagan si House Committee on Banks and Financial Intermediaries Vice Chairman, Leyte Representative Henry Ong sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Bureau of Investigation (NBI) na habulin at panagutin ang mga nasa likod ng pekeng balita online tungkol sa pag-iisyu ng pekeng P10,000 bill.
Ayon kay Ong, pinakiusapan na niya ang dalawang tanggapan na tugisin at kilalanin at arestuhin ang lahat ng tao o grupong sangkot dito dahil lumabag sila sa currency laws.
Kabilang sa mga nilabag na currency laws ay ang pag-imprenta ng pekeng Philippine peso notes at pagpapakalat ng balita tungkol dito.
Una nang naglabas ng abiso ang BSP na wala silang inisyu o inilabas na 10,000 peso bills.
Giit ng BSP, mayroon lamang anim na denominations ang nasa sirkulasyon: 1,000, 500, 200, 100, 50 at 20 pesos bills sa ilalim new generation currency bank notes.