MANANAGOT | Mga pulis na nagse-cellphone habang nagpapatrolya, ipagbabawal na

Manila, Philippines – Ipinag-utos ni PNP Chief Director general Oscar Albayalde sa lahat ng police officers na nag papatrolya sa mga kalsada na huwag mag-cellphone lalo na kapag on-duty.

Nabatid noong hepe si Albayalde ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ilang pulis ang kanyang sinuspinde at sinibak dahil sa ilegal na gawain.

Ayon kay Albayalde, tutugunan niya lahat ng problema tulad ng mga pulis na bastos, nangingikil, nagte-text habang nagpapatrol at hindi paggamit ng helmet.


Aniya, suspensyon ang pinakamababang parusa sa mga lalabag.

Facebook Comments