Manila, Philippines – Hinikayat ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na isumbong sa kanila ang mga makikita nilang pulis na tutulog-tulog habang nakaduty.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kailangan nila ang kooperasyon ng publiko para maresolba ang nasabing problema.
Aniya, maaaring kunin ang pangalan ng natutulog na pulis at ipagbigay agad ito sa kanilang tanggapan.
Matatandaang nahuli ng PNP internal affair service ang nasa 14 na mga pulis na natutulog sa loob ng kanilang patrol vehicles habang naka-duty sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila.
Facebook Comments