MANANAGOT | Mga tumulong at nagkanlong sa puganteng si Ardot Parojinog, tukoy na

Manila, Philippines – Nakilala na ng Philippine National Police (PNP) ang mga tumulong at nagkanlong kay Ozamiz City Councilor Ricardo ‘Ardot’ Parojinog.

Ayon kay PNP Directorate for Intelligence Chief, Director Gregorio Pimentel, hindi kakayanin ni Parojinog na mabuhay ng mag-isa matapos nitong magtago ng 10 buwan kasunod ng madugong raid sa kanilang bahay noong July 30, 2017 sa Ozamiz City.

Pero sabi ni Pimentel, hindi pa nila pwedeng pangalanan dahil kailangan pang pagtibayin ang mga ebidensya para patunayang dawit ang mga taong ito sa pagtakas kay Parojinog patungong Taiwan.


Una nang naaresto si Parojinog sa Taiwan noong Mayo dahil sa illegal entry gamit ang pekeng pasaporte at nakulong siya ng dalawang buwan sa Pingtung Detention Center.

May arrest warrant si Ardot para sa kasong illegal possession of firearms na isinampa sa Department of Justice (DOJ) at bukod dito, may hiwalay na warrant of arrest din siya dahil naman sa kasong murder sa isang korte sa Ozamiz City.

Facebook Comments