MANANAGOT | Nakawan sa bagahe ng WCOPA delegates sa NAIA, iniimbestigahan na

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang reklamo ng pagkawala ng mga pasalubong ng mga delegado ng World Championships of Performing Arts Philippines (WCOPA) sa NAIA.

Ito ay makaraang mag-viral ang tweet hinggil dito ng singer na si Jed Madela.

Ayon sa singer, bukas at sira ang lock ng mga bagahe ng ilan sa mga delegado pagdating sa paliparan.


Kasabay naman ng ikinasang imbestigasyon, nilinaw ni MIAA General Manager Ed Monreal na hindi dapat agad ang airport ang sinisisi sa tuwing may nawawala sa bagahe ng mga pasahero.

Aniya, dapat na unang magreklamo sa kompanya ng sinakyang eroplano at hindi sa kawani ng paliparan lalo na sa social media.

Facebook Comments