MANANAGOT | NCRPO mahigpit na babantayan ang mga tutulog tulog na pulis

Manila, Philippines – Kailangang magsakripisyo kahit masarap matulog.

Ito ang sinabi ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar sa mga graveyard o panggabing mga pulis lalo na ngayong bed weather dahil maulan, malamig at masarap matulog.

Ayon kay Eleazar mahigpit ang direktiba ni PNP Chief Oscar Albayalde na maging istrikto sa mga tinaguriang sleeping cops.


Kung saan pinatitiyak ni PNP Chief na nagtatrabaho ang mga alagad ng pulis araw man o gabi, umulan man o umaraw.

Paliwanag ni Eleazar posibleng ikatanggal ng mga pulis sa serbisyo ang patulog-tulog sa pansitan.

Matatandaang kamakailan ilang pulis Cavite ang huli sa aktong mahimbing ang tulog kung saan ang isa dito ay may kasamang babae pero hindi naman nya asawa.

Facebook Comments