MANANAGOT | P-Duterte, muling nagbabala sa mga alkalde na ginagamit ang posisyon para sa kanilang illegal drug transaction

Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang sumunod at makipagtulungan ang lahat ng Pilipino sa Pangulong iniluklok ng mga botante sa pwesto.

Batay sa konstitusyon, sinabi ng Pangulo na mayroon tayong sovereignty bilang mamamayan.

Pero dahil hindi kadalasang nagagampanan ito, ibinibigay ito sa mga inihalal ng bayan.


Ang nais ni Duterte ay protektahan at pangalagaan ang bansa mula sa banta ng terorismo at ilegal na droga.

Dahil dito, nagbabala ang Pangulo sa ilang alkalde na umano ay ginagamit ang kanilang posisyon para sa paganahin ang kalakalan ng ilegal na droga.

Facebook Comments