MANANAGOT | Philippine Plan of Action to End Violence Against Children, inilunsad

Manila, Philippines – Inilunsad na kahapon ang Philippine Plan of Action to End Violence Against Children (PPAEVAC).

Layunin nitong protektahan ang mga bata sa anumang uri ng pang-aabuso sa bansa.

Hinikayat ng PPAEVAC ang tulong mula sa mga ahensya ng gobyerno, Local Government Units (LGU), non-government organizations, komunidad at stakeholders na resolbahin ang factors na nagdudulot ng pagmamalupit sa mga bata.


Binuo na five-year road map sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children (CWC), Department of Social Welfare And Development (DSWD), sa pagkikipagtulungan ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) Philippines.

Batay sa pag-aaral ng national baseline study on violence against children noong 2015, tatlo sa bawat limang bata ang nakaranas ng physical at psychological violence.

Isa sa bawat limang bata naman ang nakaranas ng sexual violence.

Facebook Comments