MANANAGOT | Random drug testing, muling isasagawa sa mga pulis

Manila, Philippines – Muling magsasagawa ang Philippine National Police (PNP) ng random drug testing matapos mahuli sa pot session ang isang babaeng miyembro ng Special Action Force (SAF).

Ayon kay NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, tinitiyak niyang maisasama sa gagawing drug testing ang mga pulis na nakalusot sa unang test.

Aniya, hindi nakasama noon sa random drug testing ang arestadong pulis na si PO3 Lynn Tubig na una nang umamin na gumagamit ng droga dahil sa depresyon.


Magiging walang awa aniya siya sa mga pulis na mahuhuling gumagamit ng droga.

Facebook Comments