Manila, Philippines – Maglalabas ang Social Security System (SSS) ngayong Abril ng warrant of distrain and levy and garnishment para iilit ang mga ari-arian at deposito sa bangko ng nasa 6,000 delingkuwenteng employers.
Ayon kay SSS Media Affir Head Lusia Sebastian, ito ay nasa ilalim ng republic act of 8282 o social security act of 1997.
Aniya, tinatayang higit P5.3 bilyon na kontribusyon ang makokoleta ng SSS sa unang taong pagpapatupad nito.
Pero bago iilit ang mga ari-arian, maglalabas muna ang SSS ng preliminary notice kung saan nakasaad ang dapat nilang bayaran at final notice na nautusan para magbayad.
Paglilinaw ni Sebastian, mayroon namang 15 araw ang mga employer para umapela pero kung mabigo ito ay saka ilalabas ng SSS ang kanilang warrant.