Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) laban sa isang wheelchair attendant na kumuha ng ₱3,300 ng isang senior citizen sa NAIA.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal iniimbestigahan na ang naturang insidente ng airport police makaaraan nya mismong matanggap ang reklamo mula sa Palasyo ng Malacañang.
Tiniyak naman ni Monreal sa pamilya ng nasabing pasahero na tutukuyin at papanagutin nila ang tiwaling kawani.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Philippine Airlines kung saan sumakay ang biktima mula Estados Unidos nitong Oktubre.
Kasalukuyan na ring nire-review ang CCTV footages.
Samantala, sa panig naman ng Philippine Airlines (PAL) naisumite na nila sa MIAA ang listahan ng pangalan ng mga naka-duty noong wheelchair attendant.