Manila, Philippines – Tiniyak ng National Economic Development Authority (NEDA) na hindi makakaapekto sa ekonomiya ng bansa ang umiiral na martial law sa Mindanao.
Ayon kay NEDA Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Edillon – mananatili ang paglago at paglakas ng ekonomiya ng bansa dahil patuloy ang kumpiyansa ng mga negosyante na mamuhunan sa bansa
Tumaas din aniya ang tourist arrival at dumami pa ang exports partikular ng agriproducts galing Bukidnon, Davao At Cagayan de Oro kahit may martial law sa Mindanao.
Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia – mas dapat bantayan bilang hamon sa ekonomiya ang mga kalamidad monetary policies at pulitika sa bansa.
Sa susunod na taon, karagdagang anim na infrastructure projects ang inaasahan.