MANANATILI MUNA | Mga nagresign na undersecretaries at assistant secretaries ng DOJ, wala pang kapalit

Manila, Philippines – Mananatili muna sa pwesto sa Department of Justice ang anim na Assistant Secretaries at limang Undersecretaries na naghain ng kanilang courtesy resignation.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra , ito ay dahil hindi pa inaaksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang resignation kaya pansamantala silang mananatili sa pwesto.

Una nang pinagsumite ni Guevarra ng courtesy resignation ang nasabing DOJ officials para magkaroon siya ng kalayaan na makapili ng mga bagong Assistant secretaries at undersecraties.


Kabilang sa mga nagresign sina
Assistant secretaries Adonis Sulit;
George Ortha II;
Moslemen Macarambon Sr;
Cheryl Daytec-Yangot;
Sergio Yap;
Margaret Padilla.

Habang ang mga Undersecretaries naman ay sina Erickson Balmes; Raymund Mecate; Reynante Orceo; Deo Marco at Antonio Kho Jr.

Facebook Comments