MANANATILI | National uniforms ng mga public school teacher at iba pang school personnel, mananatili sa school year 2018-2019 ayon sa DepEd

Manila, Philippines – Pormal na inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na walang bagong disenyo ng uniporme para sa mga guro at iba pang school personnel sa mga pampublikong paaralan sa pagbubukas ng bagong school year sa Hunyo.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mananatili ang national uniforms ng mga teaching and non-teaching personnel para sa academic year 2018-2019.

Nag-isyu na aniya ang Department of Budget and Management (DBM) ng mga panuntuan ukol sa uniform o clothing allowance grant sa mga civilian government personnel noong Marso 8.


Ang 6,000 pesos annual uniform allowance ay ibibigay sa lahat ng school personnel kaakibat ang mga accounting at auditing rules and regulations.

Tinanggap naman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at teachers’ dignity coalition ang anunsyo ng DepEd.

Facebook Comments