Ito ang inihayag nila PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde at AFP Spokesman Marine B/Gen. Edgard Arevalo sa harap ng patuloy na canvassing of votes at hindi pa rin ganap na naipo-proklama ang lahat ng mga nanalo sa katatapos pa lamang na eleksyon.
Ayon kay Arevalo, irerekumenda ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal ang pagbaba sa kanilang Red Alert Status kung makatitiyak ito na mapayapa ang naging takbo ng halalan at bilangan sa mga lugar na kanilang tinututukan.
Para naman kay Albayalde, mananatili ang kanilang full alert status hangga’t hindi naka-uuwi ng ligtas at mapayapa ang kahuli-hulihang electoral board sa kani-kanilang mga pamilya.
Kapwa nagpasalamat ang AFP at PNP sa pakikipag-tulungan ng bawat isa lalo na ng mga sibilyan dahil sa aktibo nilang pakiki lahok at pag-uulat ng mga pangyayari sa kanilang nasasakupan.