MANANATILING NAKAKULONG | Dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, sa senado magpapasko at bagong taon

Manila, Philippines – Sa senado ipagdidiwang ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang pasko at bagong taon.

Nabatid na isinailalim sa cite for contempt si Faeldon mula pa noong Sept. 12 dahil sa pangtangging dumalo sa mga pagdinig ng blue ribbon committee kaugnay ng pagpuslit ng 6.4 billion pesos na shabu sa bansa.

Ayon kay Senate Sergeant at Arms Jose Balajadia, mananatiling nakakulong si Faeldon kung hindi ito makikipagtulugan.


Bagamat limitado aniya ang mga papayagang bumisita sa kanya, maari pa ring bisitahin si Faeldon ng kanyang mga kaanak at abogado.

Facebook Comments