MANAOAG MAYOR DOC MING ROSARIO, TINIYAK ANG GOOD GOVERNANCE SA PAGKAKAKAHALAL NITO BILANG PRESIDENTE NG LMP

Tiniyak ng bagong halal na League of Municipalities of the Philippines-Pangasinan Chapter at Manaoag Mayor Jeremy Doc Ming Rosario ang tapat at maaasahang paglilingkod katuwang ang ibang bayan sa Pangasinan.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Mayor Rosario, inilahad nito ang kanyang plano na pag-isahin at pagtibayin ang ipinagmamalaki ng bawat bayan.

Dagdag pa niya, siniguro rin nito ang katapatan o iyong pagiging transparent at accountable ng bawat mayor ng bayan.

Inihayag din ni Mayor Rosario ang suporta nito para sa malinis at maayos na pamamahala sa bawat bayan.

Si Rosario ay nahalal na presidente ng nasabing organisasyon kung saan magiging boses siya ng 44 iba pang alkalde. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments