Mas pinaiigting ang kahandaan ng bawat barangay council sa Manaoag para sa nalalapit na halalan sa May 12.
Nagsagawa ng pagpupulong ang pwersa ng Kapulisan at Commission on Elections sa lahat ng punong barangay sa bayan upang talakayin ang magiging gampanin sa deployment ng mga election paraphernalias.
Tinalakay ang listahan ng mga botante sa bawat barangay, deployment,final testing at sealing ng mga Automated Counting Machines sa May 5 at 6 at distribusyon ng accountable forms sa May 11 para sa halalan kinabukasan.
Layunin na maging mapayapa at maayos ang sistema ng botohan at deployment ng mga kagamitan sa araw ng halalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









