MANAOAG, TARGET MAGTAYO NG INCIDENT COMMAND CENTER

Target ng lokal na pamahalaan ng Manaoag na maitayo ang isang incident command center na layong palakasin ang pamamahala sa mga krisis at emergency situations sa bayan.

Ang nasabing ICC ay magiging pangunahing sentro ng koordinasyon sa panahon ng mga kalamidad, aksidente sa kalsada, at iba pang banta sa kaligtasan ng publiko. Inaasahang lalagyan ito ng mga makabagong monitoring tools at communication systems upang mas mabilis na maiparating ang mga kinakailangang tugon.

Ayon kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario, ang proyektong ito ay mahalaga lalo na’t dumarami ang mga turistang bumibisita sa bayan, na kilala bilang tahanan ng Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag.

Layunin nito na maging maayos, moderno, ang pagbibigay serbisyo publiko sa mga residente.

Bukod sa pag-monitor ng mga posibleng sakuna, magsisilbi rin itong training ground para sa disaster preparedness ng mga kawani ng bayan.

Samantala, inaasahan rin na madagdagan ang mga cctv sa bayan na kabilang sa pagpapalakas sa kampanya ng seguridad ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments