Sa bawat patimpalak, may mga sumisikat na bituin, ngunit kakaiba ang ningning ng isang tunay na inspirasyon. Si Kylie Rose M. Mercenes ay hindi lamang isang kandidata— siya ang puso ng Manaoag, Pangasinan at buong Region I sa Mutya ng Philippine Association of Agriculturists 2025.
Sa darating na pambansang patimpalak ng ganda at talino sa SMX Convention Center, Bacolod City, kanya nang ilalahad ang galing, dedikasyon, at pagmamalasakit ng mga agrikulturista ng rehiyon.
Taglay ni Kylie Rose ang tapang at kagandahang Pilipina na simbolo ng kasipagan ng mga Ilokano at Pangasinense.
Sa suporta ng kanilang mga pamilya, kaibigan, at buong komunidad, dala ni Kylie Rose ang pangarap ng mas maunlad at matatag na bukirin para sa susunod na henerasyon.
Manaoag, itaas natin ang bandera dahil sa kanya, Region I ay tunay na mamamayagpag! | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









