Manila, Philippines – Malabo nang mauwi sa explosive eruption ang pag-aalburoto ng bulkang Mayon, batay sa latest findings ng PHIVOLCS.
Paliwanag ni PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, sa kabila ng mga pag-aalburoto ng bulkan hindi pa nila nakikita ang ilang senyales ng pagsabog tulad nang nangyari noong 1814 at 1897.
Dagdag pa ni Solidum, nangyayari lang naman ang major eruption kapag sumosobra ang pressure sa loob ng bulkan.
Pero sa kabila nito aniya kailangan pa ring manatiling alerto ang mga residente sa Albay habang patuloy nilang inoobserbahan ang aktibidad ng bulkan.
Sabi pa ni Solidum, mananatili pa rin sa alert level 3 ang bulkan dahil patuloy pa rin itong nagbubuga ng lava at bukod sa gas na kanilang mino-monitor ay patuloy din silang nakapagtatala ng pagyanig ng lupa at ground deformation.