Manatiling matatag sa prinsipyo, hamon ni VP Leni Robredo sa sambayanang Pilipino ngayong Anibersaryo ng Kamatayan ni Dr. Jose Rizal

Ngayong araw, kasabay ng pag-gunita sa ika-123 anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal, hinikayat ni Vice-President Leni Robredo ang sambayanang Pilipino mananatiling totoo sa  mga paninindigan.

Sa panahon ngayon aniya kung kailan sinusubok ang sambayanan ng napakaraming hamon,dapat alalahanin at isabuhay ng mga Pilipino ang sigasig ni Gat Jose Rizal sa pagsulong ng mga reporma sa ating bansa at ng pagkakapantay-pantay ng bawat Pilipino.

Ani Robredo,ang mabisang pagtugon sa mga suliranin ng  bansa ay  sa pamamagitan ng paggawa ng tama.


Hindi aniya makakamit ang tunay na pag-unlad sa pamamagitan ng mga madalian at brutal na solusyon.

Manatili sanang matatag ang lahat mga prinsipyo at paninindigan, nang sa gayon ay makamit natin ang pagbabago na walang naiiwan at nagbibigay ng katarungan para sa lahat.

Facebook Comments