Manay, Davao Oriental, niyanig ng magnitude 5.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Davao Oriental, alas 11:12 kaninang umaga.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 81 kilometers Southeast ng bayan ng Manay.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 59 kilometers.


Naramdaman ang Intensity 3 sa Manay, Davao Oriental habang Intensity 2 sa Davao City.

Naitala naman ang Instrumental Intensity III sa Malungon, Sarangani habang Intensity II sa Alabel at Kiamba, Sarangani.

Intensity I naman sa Koronadal City at Tupi, South Cotabato at sa General Santos City.

Walang naitalang pinsala bunsod ng lindol pero inaasahang magkakaranas ng aftershocks.

Facebook Comments