Mandaluyong City Government, inihahanda na ang tulong pinansyal para sa mga tricycle at jeepney driver sa Mandaluyong

Nakatakdang pulungin bukas ng Mandaluyong City Government ang mga kinatawan ng mga Tricycle Operators and Drivers Association at Jeepney Operators and Drivers Association sa Mandaluyong City.

Ayon kay Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, layon ng pagpupulong ay upang pag-uusapan ang tulong pinansyal na ipagkakaloob sa mga rehistradong at lehitimong driver kung saan ay makatatanggap ng ₱2,000.00 na tulong pinansyal ang mga driver sa bisa ng City Resolution No. 2889, S-2020.

Paliwanag ng alcalde, ang mga benepisyaryo nito na manggagaling sa mga Registered Association ay ilalathala sa Facebook Page ng Mandaluyong City Government.


Pinapayuhan naman ni Mayor Abalos ang mga driver na makipag-ugnayan sa kanilang mga kinatawan ng TODA at JODA kaugnay sa oras at lugar ng pagbibigay ng tulong pinansyal ng Mandaluyong Local Government Unit (LGU).

Facebook Comments