Mandaluyong City Government, magsasagawa ng mass testing para sa mga Persons Deprived of Liberty

Magsasagawa ng mass testing ang Mandaluyong City Government sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa detention facilities sa lungsod.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Carmelita “Menchie” Abalos, nag-isyu siya ng Executive Order na kailangan ng lungsod na sumailalim ang mga PDL sa COVID-19 testing at quarantine bago ang commitment o release mula sa Mandaluyong City Jail at sa Correctional Institute for Women.

Sa ilalim ng Executive Order No. 23, Series of 2020, lahat ng PDLs sa lungsod ay kailangang sumailalim sa mandatory COVID-19 testing na gagawin ng Mandaluyong City Health Department, bilang karagdagang medical examination requirement kung saan ang local police at City Health Office ang magbibigay ng schedule para sa pagsasagawa ng naturang test.


Paliwanag ng alkalde, kapag nagpositibo ang resulta ng isinagawang test ng concerned PDL, ilalagay sila sa designated quarantine facility sa loob ng Mandaluyong City Jail at ng Correctional Institute for Women para sa isolation at treatment.

Facebook Comments