Mandaluyong City government, naglaan ng 7 vaccination sites sa lahat ng sektor ng lipunan

Tiniyak ng pamunuan ng Mandaluyong City government na tuloy-tuloy ang pagbabakuna sa isinagawang tatlong araw na Nationwide Vaccination Drive sa pitong vaccination sites sa lahat ng sektor ng lipunan.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, personal mismong ininspeksyon ang lugar na pinagdadausan ng pagbabakuna upang matiyak na lahat ng operasyon ay nasa maayos ang pagpapatakbo simula noong November 29 hanggang ngayon December 1.

Paliwanag ng alkalde, lahat ng vaccination sites ay tinatanggap umano ang lahat na hindi pa natuturukan ng first dose at maging sa mga maaaring tumanggap ng 2nd dose sa kaparehong brand.


Dagdag pa ni Abalos, ang pitong vaccination sites ang SM Megamall, Robinsons Forum vaccination sites, Jose Rizal University, Shangri-La Plaza (Red Carpet Cinema), Pedro P. Cruz Elementary School, at Andres Bonifacio Integrated School ay tuloy-tuloy ang pagpakakalat ng first at second dose vaccines, at ang pediatric vaccination scheduled sa pamamagitan ng City MandaVax portal kung saan makatatanggap din ng booster shots sa indibidwal na nakatanggap na ng kanilang 2nd dose ng anim na buwan nakalipas.

Samantala, ang booster shots naman para sa A2 priority group ay ipinakakalat sa Pedro P. Cruz Elementary School, habang ang Shangri-La Plaza at Andres Bonifacio Integrated School (ABIS) ay pagdadarausan naman para sa A1 at A3 priority groups kung saan ang first doses ng AstraZeneca ay ipakakalat sa Starmall vaccination site.

Facebook Comments