Iginiit ni Mandaluyong Mayor Menchie Abalos na bawal ang dine-in, take-out, at drive-thru services sa Mandaluyong City, kasabay ng paglalabas ng notice to public na tanging food establishments na may delivery services lang ang pinahihintulutan sa naturang lungsod.
Ayon kay Mayor Abalos, dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) kung kaya at kinakailangang ipatupad ang mahigpit na Protocol para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Paliwanag ng alcalde, ang sinumang lalabag sa inilabas na alintuntunin ay mananagot sa ilalim ng Republic Act 11332 na may kaukulang multa na P20,000 hanggang PHP50,000 o pagkakakulong ng 1 buwan hanggang 6 na buwan o hindi kaya ay parehong multa at pagkakakulong.
Base sa pinakahuling Tala, 13 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, 33 ang Persons Under Investigation (PUI) at 350 Persons Under Monitoring (PUM).