Wala ng plano ang Mandaluyong City Govenment na magdeklara ng State of Calamity matapos magkaroon ng problema sa suplay ng tubig.
Sa statement na inilabas ni Mandaluyong Public Information Chief Jimmy Isidro na bagamat mahina ay bumuti na daw ang suplay ng tubig sa lungsod kumpara sa mga nakalipas na araw.
Matatandaan na halos isang linggo din nakaranas ng walang tubig ang ilang residente sa kanilang lugar kung saan umaasa lamang ang mga ito sa rasyon.
Una na din ipinanawagan ng anim sa dalawamput pitong barangay sa Mandaluyong na magdeklara na ng State of Calamity para magkaroon sila ng pondo.
Pero sa ngayon sinabi ni Isidro na dalawa hanggang sa tatlong kalye na lamang daw sa isang Barangay sa Lungsod ng Mandaluyong ang wala pa din suplay ng tubig kayat hindi na ito kailangan pa.
Dadalo din daw ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng mandaluyong sa gaganapin pagdinig sa Senado bukas tungkol sa sitwasyon sa tubig.