Ipinapatupad na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City government sa pamamagitan ng license and permit office nito na bantayan ang lahat na mga dayuhan na kumukuha ng work permit, lalo na ang mga Chinese national.
Ayon kay Jimmy Isidro, chief-of-staff ng nasabing Local Government Unit (LGU) na sa pamamagitan nito ay mamo-monitor kung may sakit ito o wala.
Kung sakali aniya na may lagnat, ubo, o sipon, agad susundin ng kanilang personnel ang tamang proseso tulad ng pag-interview at pagdala sa Ospital ng Mandaluyong.
Aniya, wala naman dapat ipag alala ang mga residente ng Mandaluyong dahil nakahanda ang mga manggagawa nito sa kalusogan laban sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV ARD).
Dagdag pa niya na isa ito sa mga hakbang ng Mandaluyong City Government bilang pagtalima sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ni Pangulong Duterte kontra sa 2019 nCoV ARD, upang maiwas ang pagkalat nito sa bansa.