Mandaluyong City Gov’t namahagi ng 1 libong infrared thermometer sa lahat ng mga opisina ng gobyerno sa Mandaluyong City  para maiwasan na mahawa ng nCoV

Namigay ng isang libong infrared thermometer ang pamunuan ng Mandaluyong City Government upang mayroong panlaban kontra 2019-nCoV virus.

Ayon kay Mandaluyong City Govt Chief of Staff Jimmy Isidro namahagi sila ng 1 libong infrared thermometer,alkohol at hand sanitizers   sa lahat ng mga opisina ng gobyerno sa Mandaluyong  City para maiwasan na mahawaan ng nCoV.

Paliwanag  ni Isidro bukod sa pamamahagi ng mga alkohol,hand sanitizers at infrared sanitizers ay tinitiyak nilang nakahanda na rin ang mga Health Centers  upang tumugon sa mga residente nito na maaring magpakunsulta kung mayroong ubo at sipon lalo na kung nakapagbiyahe sa ibang bansa gaya ng China, Macau at Hongkong.


Inatasan na rin ni Isidro ang  ibat-ibang kumpanya at may ari ng mga establisemento sa Mandaluyong na gumawa ng sariling nilang Fumugation para makaiwas sa sakit na sanhi ng nCoV virus.

Facebook Comments