Mandaluyong City Health Office, nagpaliwanag kung bakit sarado ang vaccination sites at centers ng lungsod

Kinumpirma ni Dr. Alex Sta. Maria na sarado ngayong araw ang lahat na vaccination site at centers ng Mandaluyong City matapos ipahinto ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng Sinovac vaccine.

Aniya, naghihintay pa sila sa “go” signal mula DOH upang ipagpatuloy ang bakunahan sa lungsod gamit ang nasabing brand ng vaccine.

Kailangan aniya na mayroong Certificate of Analysis mula sa Food and Drugs Administration (FDA) bago gamitin ang COVID-19 vaccine bilang katunayan na epektibo at ligtas itong gamitin.


Samantala, pumalo na sa 214,501 na indibidwal ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa lungsod, kung saan kabilang dito ang lahat na priority list group mula A1 hanggang A5 category.

Mula sa nasabing bilang, 165,353 nito ay nakatangap na ng first dose habang ang 49,148 naman ay nabigyan na ng kompletong dose ng bakuna.

Facebook Comments